Sedition isasampa sa nagpapatalsik kay PNoy

INIHAYAG ng isang abogadong senador na dapat kasuhan ng inciting to sedition si Col. Generoso Mariano kabilang ang pagsasampa ng kaso sa court martial at sibakin sa tungkulin at ikulong dahil binangga nito ang Commander-in-Chief ng Pilipinas.

Sinabi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na walang tutugon sa panawagan ni Mariano na palitan si Pangulong Benigno Aquino III dahil walang pumapanig sa kanyang pananaw na magkaroon muli ng panibagong madugong kudeta.

Sa ganitong punto, sinabi ng abogadong senador na maaaring kasuhan si Mariano ng inciting to sedition dahil wala pang pagkilos na nagkaroon ng sedition at maaari siyang iharap sa court martial proceedings saka tanggalin sa tungkulin at ikulong.

“Definitely inciting to sedition dahil wala pa namang action to sedition ang napapatunayan batay sa video. Pero yun video ay evidence for inciting to sedition ang na-commit nyang krimen,” ayon sa senador.

Ayon pa kay Escudero, nakikita niyang walang tutugon sa panawagan ni Mariano dahil walang malinaw na konsepto ang opisyal hinggil sa kung sino ang ipapalit at kung anong pamamaraan ang gagawin sa pagpapalit ng administrasyon.

“Sa tingin ko wala dahil hindi pa nga tayo nakakabangon mula sa delubyo ng administration ni Pangulong Arroyo, may gusto na naman nilang magsimula ng panibagong delubyo at ang tanong ko kay col. Mariano, sino ba ang balak nyang ipuwesto kung sakaling magtagumpay man siya? tanong ni Escudero.

Nakatakdang magretiro si Mariano sa susunod na Linggo dahil mararating na niya ng retirement age ng 56. Siya ang kasalukuyang deputy commander ng Philippine Navy Reserved Command.

Sinuportahan naman ni Sen. Loren Legarda ang pananaw ni Escudero dahil hindi naman umano madaling itama ang pagkakamali ng nakaraang administrasyon at dapat igalang ng lahat ng pagkakahalal ni Pangulong Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply