Seguridad sa SONA siniguro ng Malakanyang

TIWALA ang Malakanyang sa seguridad na inilalatag ng awtoridad para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bukas.

Ito ay sa harap ng trahedyang naganap sa Norway kung saan higit 90 ang namatay sa pagpapasabog sa mga government building sa Oslo at pamamaril sa summer youth camp.

Sinabi ni Communications Group Secretary Sonny Coloma na ginagawa ng Presidential Security Group (PSG) at iba pang ahensya ng pamahalaan ang lahat ng nararapat na hakbang para masigurong magiging maayos ang SONA ng Pangulo.

Tiniyak din ni Coloma na hindi magli-leak ang talumpati ni PNOY, taliwas sa nangyari noong nakaraang taon na hawak na ng ilan ang kopya ng SONA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply