Sekyu nagsauli ng bag na may P50K

PINATUNAYAN ng isang security guard na may mga tao pa ring di agad nasisilaw sa kinang ng salapi, nang isauli nito ang nakitang clutch bag na naglalaman ng mahigit P50,000 at iba pang mahahalagang dokumento na naiwan sa pushcart sa isang supermarket sa isang kilalang mall sa lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ang security guard na si Ferdinand J. Mejia, ng Prestige Security Agency, nakakuha ng clutch bag at isinuko sa mga opisyal ng SM City Pampanga Customer Relations Security Office.

Nang alamin ang laman ng nasabing bag ay natuklasan na ito ay pag-aari ng isang Fernando David, assistant regional director ng National Bureau of Investigation (NBI) at kasalukuyang pangulo ng Lions Club Internatiuonal.

Naibalik ng mga opisyal ng mall ang clutch bag kay David na personal na pumunta sa opisina.

Ikinatuwa nito na walang nawala sa kanyang mga dokumento at salapi.

Nang ipakilala ang security guard kay David ay binigyan niya ito ng pabuya subalit tinanggihan ito ng guwardiya na si Mejia.

Ipinangako na lamang ni David na susulat siya sa pamunuan ng naturang mall ng letter of commendation para sa ipinakitang katapatan at kabayanihan ni Mejia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply