Sekyu natagpuang patay sa loob ng eskuwelahan

HALOS magkagulo ang lahat ng mga estudyante at guro sa isang eskuwelahan sa Malabon City nang madiskubre ang bangkay ng kanilang sekyu sa loob ng confort room Biyernes ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Virgilio Dela Torre, 46, may-asawa, residente ng 19 M. Aquino Corner Pilapil St. Barangay Nuigan ng nasabing lungsod.

Batay sa pagsisiyasat, alas-sais ng umaga nang matagpuan ni Ernsesto Baliket, 38, school maintainance, ang bangkay ni Dela Torre sa loob ng comfort room ng Clay Christian School  na matatagpuan sa 1 Sanciangco St., Brgy., Nuigan, Malabon City.

Ayon kay Baliket pagpasok niya sa palikuran, gumulantang agad sa kanyang paningin ang katawan ng biktima nanakahandusay sa sahig.

Iniimbestigahan pa ang naturang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply