Semifinals berth target ng TNT

AASINTAHIN ng Talk N’ TExt ang isang slot sa singles semifinals sa pakikipagharap laban sa nanganganib na masibak na Meralco Bolts ngayong gabi sa Cuneta Astrodome.

Hindi uubrang magpatumpik-tumpik ang Tropang Texters laban sa B-boys na nakikipagpatayan para umanagat sa kanilang 3-3 win-loss card na nasa ika-anim na baitang ng 9-team composition na kung saan tatlong team ang masisibak sa pagsasara ng single round elimination.

Nasa katulad ding sitwasyon ang Alaska Aces (3-3) ni coach Timothy Cone sa pagharap sa second placer na Rain Or Shine Elasto Painters. Magkakasama ang Elasto Painters, Ginebra San Miguel at ang Talk N’ Text sa tatluhang second position.

Kapwa galing sa pagkatalo ang Tropang Texters at ang Meralco Bolts kaya importante sa kanila ang laro sa Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply