Sen. Madrigal tagapagmana ng kayamanan – Korte

NAGPALABAS ng desisyon ang isang korte ng Makati City na nagsasabing si dating Senadora Jamby Madrigal ay isa ring tagapagmana sa kayamanang naiwan ng kanyang tiyahin na si Consuel “Chito” Madrigal-Collantes.

Base sa desisyon na inilabas ni Branch 148 Acting Presiding Judge Ma. Rita Bascos-Sarabia, dapat nang tapusin ang usapin kung ang dating senador ay isang legal na tagapagmana ng kanyang tita.

Ayon naman kay Atty. Ernesto Francisco Jr., abogado ni Jamby, hihilingin nila sa korte na ipawalang bisa ang lahat ng ari-arian ni Madrigal-Collantes na ibenta na.

Matatandaang nag-iwan ang tiyahin ni Jamby ng isang will na nagsasabing iniiwan niya ang kanyang kayamanan sa kanyang asawang si Manuel Collantes; kanyang pamangkin at kapatid ni Jamby na si Susana Madrigal; kanyang apo na si Vicente Gustav Warns, at isang pamangkin na si Gizela Gonzalez-Montinola.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply