Senador mahilig magkulong sa kuwarto

ANO ba ang mayroon sa loob ng isang kuwarto ng isang mambabatas ay lagi o mahilig magkulong ang naturang mambabatas sa kanyang silid.

Batay sa impormasyon nakalap ng matang kuwago ng Remate ang naturang senador ay hindi talaga lumalabas ng kanyang kuwarto upang makipagkwentuhan man lamang sa kanyang staff sandali.

Ang tanging paraan o dahilan ni senador sa kanyang paglabas sa kuwarto ay uuwi na siya o pupunta kung saan sa labas ng kanyang opisina. Ang nakalu-lungkot pa kay senador ay kahit mayroon siyang  bisitang nakatakdang kanyang pulungin ay si Chief

of Staff na lamang ang kanyang pinakakausap.

At take note hindi sa kuwarto kinakausap ni COS kundi sa senator’s lounge upang sa ganoon ay hindi makita si senador sakaling lumabas ito ng kanyang kuwarto anomang oras.

Nakaaawa nga si COS dahil ang lagi na lamang niyang dahilan ay wala si Sir o si senator o dili kaya ay mayrooon itong meeting.

Biruin ninyo bang kahit na isang Undersecretary ng isang kagandahang ahensya ng pamahalaan  ay  hindi rin niya hinarap.

Kaya ang ginawa ni COS humingi ng saklolo sa isang director sa senado upang hindi lamang siya ang maging audience sa bisita ni senador.

Napa-puzzle tuloy ang matang kuwago ng Remate kung ano ang mayroon sa kuwarto ni Senador at ayaw nitong lumabas doon. Maging ang kanyang close-in Executive Assistant ay pakalat-kalat na nga lamang sa loob ng opisina o dili kaya sa hallway ng 5th

floor ng gusali ng senado.

Gusto na ba ninyong makilala siya? Puwes ito na at ating pintahan. Siya ay senador ding matakaw sa tulog at pagkain  kaya siguro ang taba-taba niya. Biruin ba naming

wala pang dalawang minuto, ubos na ang isang pares ng tuna sandwich.

Malakas at mabango siya sa kasalukuyang administrasyon at lahat ng kanyang hinihiling ay pinagbibigyan at kanyang nakakamit.

Isa rin siyang cabinet member noong panahon ng administrasyon ng ina ni PNoy. Kilala na ba ninyo siya? Kung hindi pa, kumain na lang kayo ng lechon. He he he!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply