Senglot na tambay binoga ng nairitang ginang

PATAY ang isang lasing na tambay nang barilin ng kanyang nakasagutang ginang sa harap ng isang tindahan sa San Miguel, Maynila kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Rodolfo Berona, 26, ng 1716 – Int 2 Aguila Concepcion St., San Miguel, Manila.

Samantala, sumuko naman sa mga rumespondeng tauhan ng Manila Police District ang suspek na si Wilma Billote, 45, may-ari ng Camille Food Express Store sa 1779 Concepcion Aguila, San Miguel, Manila makaraang magpagamot muna sa pagamutan nang suntukin sa kaliwang mukha ng isang kabarkada ng biktima.

Sa ulat ni Det. Bernardo Cayabyab, may hawak ng kaso, naganap ang insidente sa harapan umano ng tindahan ni Billote sa nasabing lugar.

Una rito, nagtungo sa tindahan si Berona para bumili ng katol sa pagtulog nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng biktima.

Sa puntong ito, mabilis na kumuha ng baril ang ginang at pinaputukan ang biktima.

Nang rumesponde ang mga tauhan ni P/Supt. Jimmy Tiu, Station Commander ng MPD-Sta. Mesa, Manila, kusang loob na sumama si Billote pero habang bitbit siya ng mga pulis ay isang malakas na suntok ang dumapo sa kanyang mukha na nagmula sa kamao ng kabarkada ng biktima.

Sa presinto, giit ng suspek na ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili nang tangka siyang saktan ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply