Separasyon ng Simbahan at Estado nilinaw ng CBCP

BINIGYANG linaw ngayon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang separasyon ng Simbahan sa Estado

Ang paglilinaw ay bunsod ng mga sunud-sunod naisyu na ipinupukol sa mga tauhan ng simabahan matapos lumabas ang mga report na nanghihingi o nag-rerequest ang mga ito ng mga “regalo” mula sa nakaraang gobyerno.

Sinabi ni CBCP Monsignor Pedro Quitorio na natutuwa ito sa pagkakasalang ng mga obispo at mga tauhan ng Simbahan sa imbestigasyon ng Senado, dahil posibleng ito na ang daan upang maging matuwid at malinis ang sistema sa bansa.

Ayon kay Quitorio, naging magkatulong ang Gobyerno at Simbahan ng matagal na panahon.

Ngunit ang separasyon ng Simbahan at Gobyerno ayon sa Saligang Batas ay ang ‘di pakikialam ng pamahalaan sa relihiyon at pagtatatag nito ng sarili nitong relihiyon.

Binigyang diin nito na ‘di kasama ang pagtulong sa mahihirap sa nasabing batas at bukod dito’y dapat dumadaan ang mga proceeds o pondo sa mga social action center ng mga diocese at hindi sa personal na paraan.

Sinabi rin nito na mas marami pang diocese ang gumagawa ng ganitong taktika at nangyari ito marahil bago pa ang termino ng dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply