Serbisyo ng potable water sa Cotabato pinaghusay

PINAG-IBAYO ng Metro Kidapawan Water District (MKWD) ang kanilang serbisyo sa  water concessionaires kasunod ng pagbubukas ng dagdag na mahigit 7,000 water connections sa lungsod ng Kidapawan at kalapit-bayan.

Ayon kay  MKWD general manger  Stella Anima, bahagi ng limang-taong plano ng tanggapan na nagkakahalaga ng P225 milyon ang mga proyektong inaasahang magpapalawak at mag-aangat ng kalidad ng serbisyo ng MKWD lalo na ang pagbibigay sa mga residente ng malinis na mainom na tubig.

Noong nakalipas na taon, sinimulan ng tanggapan ang pagpapatayo ng tatlong water impounding systems, dalawang 600-cubic meter reservoirs sa Barangay Amas, Kidapawan City at Poblacion Makilala at isa pang 500 cubic meter reservoir sa Cotelco Village sa lungsod ng Kidapawan.

Inaasahan din ng MKWD na matatapos sa buwan ng Oktubre ngayong taon ang isa pang 500 cubic meter water impounding structure sa Barangay Mua-an.

Ayon kay Anima, target ng tanggapan na makumpleto ang pag-aayos at expansion ng kanilang mga linya ng tubig sa loob ng limang taon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply