Shabu para sa Boracay tourists ibinulgar ng PNP

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang ilang airport personnel ang tinatayang P1-milyon halaga ng shabu sa Caticlan Airport na itutulak sana umano sa mga turista sa Boracay.

Ayon sa report ng PNP, nasamsam mula sa dalawang katao na kinilalang sina Jonajim Lima at Alexander Mildred, kapwa taga-Pasay City, ang tatlong malalaking pakete ng shabu na pare-parehong tumitimbang ng mula 50 hanggang 70 gramo.

Sa pahayag ni Immigration Officer 3  Cereso Baloma, kaagad nilang isinagawa ang nasabing operasyon sa Caticlan Airport matapos makatanggap ng intelligence mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na may nakalusot sa mga cargo na naglalaman ng iligal na droga at dala ng naturang dalawang suspek.

Napag-alaman na tangka sanang ipuslit ng dalawang suspek ang malaking bulto ng shabu na tinatayang aabot sa mahigit isang P1 milyon ang halaga sa isla ng Boracay para ibenta.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbentaryo at imbestigasyon sa mga suspek at sa mga narekober na illegal drugs.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply