Shakey’s V-League Seaon 8 papalo na

BILANG inisyal na laro sa Linggo sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City ay maghaharap ang San Sebastian College-Recoletos Lady Stags at ang Air Force volleybelles na susundan ng laban ng Maynilad team at back-to-back seeking champions Ateneo Lady Eagles simula alas 2:00 ng hapon sa pagbubukas ng Shakey’s V-League Season 8.

Malaking pagbabago sa komposisyon ng Season 8 ang ipatutupad sa paglahok ng 3 koponan mula sa larangan ng military, Philipine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy. Bukod sa 3 ay maghaharap din ng koponan ang Maynilad.

Ang tatlong bagong team ay babanderahan ng mga beteranang volleybelles mula sa orihinal na kasapi na school teams. Si dating star ng Lady Tamaraws na si Rachel Daquiz ang mangunguna sa Army squad, si Aiza Maizo, ex-MVP ay lalaro sa Air Force habang  ang early favorite na Navy team ay kabibilangan ni dating MVP Suzanne Roces at Nerissa Bautista.

Sa orihinal na cast ang malakas na San Sebastian College Lady Stags ay pangungunahan ni Joy Benito. Bukod sa apat na bagong team ang iba pang makikipagtunggali ay ang Perpetual Help Altas, Ateneo Lady Eagles at San Sebastian Lady Stags.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply