Shalani walang utang na loob kay Pokwang!

HINDI na kami magtataka kung bakit tuluyang hiniwalayan ni PNoy (buti nga!) noon ang dating girlfriend nitong politician-host na rin ngayong si Shalani Soledad. Sa puntong ito ay unti-unti na naming napagtagpi-tagpi ang mga naririnig naming bad comment coming from different people about this woman.

Well, totoo nga’ang may attitude problem ito! Alam kaya ito ng mga taong nagmamahal sa kanya sa kanyang nasasakupang bayan?

Sa totoo, hindi na namin kailangang patunayan yan sa inyo dahil nitong nakaraang araw lang, isang pangyayari sa buhay ng isang sikat na komedyanang aktres-tv host na si
Pokwang ang hinding-hindi nito makalilimutan.

Isyung kahit kanino makarating ay kukulo ang dugo mo kay Shalani Soledad.

Sa kabila pala ng pagkakaroon nito ng maamong mukha, sa likod pala nito ay ang masama nitong pag-uugali.

Isang kuwento mula sa isang matalik na kaibigan ang nakarating sa amin kung saan nagkita raw sa isang pastry shop sina Pokwang at Shalani.

Ang bastos na Shalani, hindi man lang nagawang ngumiti kay Pokwang. As in deadma ang hitad. Parang walang nakitang Pokwang.

Teka, makinig ka Shalani Soledad, nakalimutan mo na ba ang taong 2010? Hindi ba’t tumakbo kang public servant nung taong ito? Hindi mo na ba nakilala man lang si
Pokwang nang magkasalubong kayo sa isang pastry shop? Hindi mo na ba kilala ang isang Pokwang na nagkampanya sa iyo noong nakaraang eleksiyon ng LIBRE? May sakit ka bang amnesia? O sadyang apektado ka?

Ganoon pa man Shalani, hindi dapat ganun ang naging gesture mo dahil isa si Pokwang sa nagkampanya sa iyo. Isa siya sa mga taong napakinabangan mo. Matuto kang lumingon konsehala.

‘Yun lang!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply