Shocking! Tetay naputulan ng linya ng cellphone

KAALIW si Kris Aquino. Milyonarya, naputulan ng linya ng Smart. Hindi raw kasi humabol sa cut-off date ng singilan ang pag-clear ng kanyang tseke. Matuk n’yo ‘yon?

Bakit kasi hindi na lang i-cash para walang istorbong nangyayari sa kanya. Ewan lang natin kung hindi ‘to chika lang ni Kris. Kapatid ng Presidente at mayaman naman bakit puputulan agad? May konsiderasyon ‘yan siyempre, at hindi naman tatakbuhan ni Tetay ang utang n’ya.

‘Yun ngang pagkakahuli ng driver ng Queen of all Media, duda rin tayo e. Maniniwala ba kayong huhulihin ito ng barangay traffic enforcer sa salang obstruction at illegal parking?

Ilang beses na naming sinubukang mag-park do’n sa gilid ng ABS-CBN na kinahulihan ng driver ng sis ni PNoy, wala namang sumisita sa amin. Kung meron man, nagpapaalala lang at ituturo kayo sa tamang paradahan.

Anyway, maswerte si Marcelito Pomoy dahil siya ang naging paborito ng ex ni James Yap.

At inamin talaga nito na bomoto siya rito. Ang ibig bang sabihin, ‘yung mahigit sa 19% na botong nakuha ng grand prize winner ay kay Kris nanggaling at sa mga kamag-anak nito?

Well, kaya naman mababa raw ang botong nakuha ni Marcelito dahil maraming magagaling ang naghati-hati.

Pero ilan lang ba ang 19 percent na ‘yan kung ikukumpara sa mahigit na 48 percent na nakuha ni Jovit Baldivino nu’ng PGT1?

E, sa bawat isang simcard pala hanggang 30 beses puwedeng bomoto ang may-ari nito.

Magkano lang ba ang 100 na simcard o 1000 simcard sa katulad niyang milyonarya?

Sana sa PGT3 ay magdagdag ng panel of judges na walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lang! Sounds familiar? Hahahahahaha!

***

ALMOST two months na ang nakararaan nang lumayas si Sheena Halili sa poder ng kanyang pamilya at bumukod ng tirahan. Bagama’t ayaw ng kanyang ina, hindi raw nagpapigil ang dalaga.

Sa Tomas Morato nakakuha ng sariling unit si Sheena. Doon ay mag-isa raw itong naninirahan. Okay na sanang tingnan dahil natuto ng responsibilidad sa buhay ang dalaga.

Pero may purpose raw pala ang pag-solo ng TV5 talent na ‘to. Kaya ngayon daw ‘yung solo naging doble dahil maliban sa kanya, parati ring nagpapalamig-lamig sa bahay n’ya si Rocco Nacino ng GMA-7, ang dati niyang kasambahay.

Susme! Kaya pala, huh!

Baka pagkalipas ng siyam na buwan, maging triple na, ha? Hahahaha!

Bigla ko tuloy naalala si Alex Gonzaga na madalas ding mag-solo sa hotel. Tinataon daw ni Alex na masama ang panahon o malakas ang ulan at saka siya magpaalam kay Mommy Pinty.

Kasi nga naman bumabaha raw sa daan papunta sa bahay nila sa Cainta, Rizal.

Nabuburyong din daw siya sa balayzung nila kapag nag-iisa dahil may kalayuan daw ito sa kabihasnan, este, sa ciudad kaya medyo malungkot ang dating para sa kanya pag nandoon siya.

Kamukat-mukat natin, ayan ang tsismis na binibisita Iglesia pala siya ni Kean Cipriano. O, di ba, style? Hehehehe!

Anyway, ganyan talaga ang kabataan ngayon. Huwag na tayong magtatakang matatanda (kayo lang, di ako kasama, huh! Hahaha!). Kaya paalalahanan na lang sila parati para di makalimot.

Mommy Pinty, ‘wag mo ng talakan si Alex. Daanin na lang sa diplomasya, hane? Kumikita na ‘yan kaya malakas na ang loob. So, ang kailangan d’yan, masinsinan at mahinahong usapan.

Tama ba ako, Sheena and Alex?

***

Personal: Tinatawagan natin ng pansin si Danilito Barnes Fernandez d’yan sa Maasin, Southern, Leyte. Bayaw, magparamdam ka naman sa pamilya mo. Alalahanin mong tatlo ang anak mo at lahat nag-aaral. Maging responsable kang ama.

Tawagan mo ako sa number na ito, #09074582883. Puwede ka ring mag-email sa kuya-abepaul@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply