Shooting incidents sa Oslo, walang koneksyon sa Pinas

TINIYAK ng security forces na walang koneksyon sa Pilipinas ang bombing at shooting incidents sa Oslo, Norway na ikinasawi ng 98 katao.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Commodore Miguel Rodriguez, nalulungkot din ang sandatahang lakas sa nasabing insidente na nangyari sa isang bansa katulad ng Norway.

“Walang koneksyon sa atin, but dapat itong mag-serve as a reminder for everybody. Dapat ang vigilant ang lahat, hindi lang sa kasundaluhan, dapat may partipasyon din ang publiko,” paalala ni Commodore Rodriguez.

Samantala, nagpaabot na rin ang Department of Foreign Affairs ng pakikiramay ang Pilipinas sa Norwegian government.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply