Si Heart ang puputol sa ‘sungay’ ni Marian?

USAP-USAPAN ngayon ang planong pagdedemanda ni Heart Evangelista laban kay Marian Rivera. Base sa pahayag ng aktres, ang mga walang katotohanan and baseless reports about her in the media and online ay sinira ang kanyang reputasyon at maliban dito, nakatanggap din siya ng death threats mula sa mga tagahanga ni Marian na nagdulot sa kanya ng takot at truma.

Dalawang beses daw siyang “verbally attacked” ni Marian dahil sa selos noong nagsu-syuting pa sila ng “Temptation Island” sa Norte, na nag-ugat umano sa naging pahayag ‘in passing’ ni Heart na na-excite siya sa balitang magtatambal sila ni Dingdong Dantes.

Ang matindi, may mga product endorsements si Heart na on hold dahil sa mga maling paratang sa kanya at pati ‘yung teleserye nila ni Dingdong ay biglang nasibak.

Kaya naman naisip ng kampo ni Heart na gagawa sila ng legal action laban kay Marian dahil sa crimes of libel and grave threats.

Pinag-aaralan din nila ang posibleng pagsingil ng damages sa bida ng “Amaya” dahil nawalan ng trabaho si Heart dulot ng kontrobersya.

Akala ba namin ay nagpakabait na itong si Marian dahil naisulat namin siya rito sa aming kolum tungkol sa kanyang pagbabago ng imahe?

Tulad ng pagpakumbaba nito kay Ms. Celia Rodriguez nang hindi siya nakasipot sa birtrhday party ng huli. Katunayan, nagpadala siya ng bouquet of flowers and a note.

Tulad din ng pagpapakita nito ng professionalism nang ipinagpagtuloy nito ang taping ng Amaya kahit namaga ang kanyang pisngi dulot ng kagat ng insekto sa set.

Ang pinakahuli ay ang pagbigay nito ng pasalubong na chocolate sa mga kasamahan nito sa Amaya nang dumating sila ng kanyang Lola mula sa bakasayon sa Hong Kong.

Sayang! Dahil lahat ng mga ito ay isang iglap na nawala dahil sa isyu nila ngayon ni Heart. Tsk tsk …

***

Regine, maraming ‘umaray’ nang iproklamang ‘the next Superstar’ si Angeline

IT’S no less than Boy Abunda, the King of Talk Show himself, ang nag-react sa naging pahayag ni Regine Velasquez na “The Next Superstar” si Angeline Quinto.

Buo ang paniniwala nito na walang puwede pumalit kay Nora Aunor at forever itong Superstar. Kaya nga hindi natin siya masisisi nang sabihin nito na kailangan pa ang isang himala para magkaroon ng isa pang Superstar.

Pati ang pagsabing si Melai Cuanteveros ang Queen of the Riles in connection sa pelikula nito, “The Adventute of Pureza” ay pinatulan din ni Boy.

Naniniwala rin siya na si Nora ang totoong Reyna ng Riles dahil nagtitinda ito noon ng de boteng tubig sa tren sa Bicol.

We can’t blame Boy kung ganito ang kanyang reaction dahil tadtarin mo man ang kanyang katawan, lalabas at lalabas na isa siyang loyalista ni Nora Aunor.

Hindi rin naman natin masisisi si Regine sa kanyang naging pahayag pagkatapos nilang magduweto ni Angeline sa katatapos na concert ng huli sa Sky Dome sa SM City North Edsa dahil ‘yun ang paniniwala niya.

Kanya-kanyang opinion ito, makasakit man ng damdamin ng kapwa o hindi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply