Si reporter tanggap at tira

ALAM ba ninyo na talagang mayroong bulok sa isang samahan o organisasyon at  talagang sinisikap nitong masira ang  magandang imahe at reputasyon ng mga samahan o organisasyon?

Nabatid kasi ng matang kuwago ng Remate na isang reporter na nakabase sa pangkalawakang beat ang sumisira sa imahe ng mga reporter dahil sa nakahihiyang pag-uugali at hindi magandang istilo nito.

Ito ang kuwento.

Naimbitahan ang naturang reporter sa isang okasyon na inorganisa ng mga grupo ng mga Media Relations Officers (MRO) at dumalo naman ang naturang reporter.

Sa pagdalo ng naturang reporter ay nag-enjoy at nagsaya ito dahil sa bukod sa naligo
siya sa Jacuzzi at nagsasayaw-sayaw pa ito at tumanggap pa ng kaunting pamasahe o pang-gasolina ba ng sasakyan dahil ito ay bahagi ng games.

At matapos na mag-enjoy at magkayayaan na ng uwian ay nakuha pa ngang mag take-out ng naturang reporter.

Subalit kinabukasan ay laking gulat na lamang ng grupo ng MRO at binanatan o binatikos sila ng naturang reporter.

Natanong tuloy nila sa kanilang sarili:  mayroon ba tayong masamang ginawa at pagtrato sa ganya noong siya ay nasa party?

Ang siste kasi, kasayaw pa niya ang mga MRO at mismong isa sa mga MRO ang nag-abot sa kanyang ng salapi.

At hindi lang iyun, alam ba ninyong bago siya dumalo sa naturang party invitation ay tinawagan ng reporter na ito ang kapwa niya reporter at tinanong kung dadalo rin ito at sa party at kung mayroon ba silang mapapalang grasya o salapi.

Kita na ninyo, dito pa lang ay kitang-kita na ang kasamaan ng pag-uugali ng reporter at pagiging mukhang pera.

Mahirap magmalinis subalit nakalimutan na niyang matapos siyang mag-enjoy at tumanggap ay binanatan pa niya ang mga pobreng MRO gayong hindi naman obligasyon ng mga ito na maghanda ng party sa mga reporter.

Ang reporter na ito ay likas talagang mukhang pera at masiba sa pera dahil tuwing dadalo siya sa mga presscon lalo na sa kampanya ay kinakailangang mayroon siyang matatanggap at kung wala siyang matatanggap ay tiyak magiging maingay at putak nang putak ito.

Nakarelasyon ng reporter na ito ang isa sa mga editor ng kanyang diyaryong sinusulatan.

Take note, ang naturang editor niyang nakarelasyon ay pamilyadong tao.

Mahilig at madalas din itong mangibang-bansa gayong maliit lamang ang kanyang perang kinikita at sa tuwing mangingibang-bansa ay panay ang hingi ng pabaon sa ilang mga pulitiko.

Kurakot pa pala ang reporter na ito.

Dati itong mahinhin at tahimik subalit ngayon sobra na ang tinik at galing sa pamemera.

Kung babae siya o lalaki bahala na kayong humusga.

Basta sumama ang loob sa kanya ng ilang MRO at mayroon daw siyang column sa isang pahayagan.

O tiyak kilala na ninyo siya?

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply