Sigalot ni Maricel Soriano sa 2 kasambahay ‘di naresolba

HINDI naayos ang reklamo ng dalawang ex-maids laban sa ‘Diamond Star’ na si Maricel Soriano makaraang hindi siputin ng aktres ang ipinatawag ng pulong ng kapitan ng Barangay Poblacion sa Makati City, Miyerkules ng hapon.

Itinakda ni Brgy. chairman Benhur Cruz ang pulong dakong 4:00 p.m. sa layuning mapag-ayos sina Maricel at nagrereklamong dating mga kasambahay na sina May Cachuela at Camille Acojedo.

Inakusahan ni May ang tinaguriang “Taray Queen” ng Philippine showbiz ng pananakit. Sinipa raw siya ng aktres matapos mag-init ang ulo nito nang hindi magustuhan ang inihanda niyang dadalhin gamit ng amo noong nakaraang linggo.

Bagaman hindi naman sinaktan, sinabi naman ni Camille na nakatikim siya ng masasakit na salita sa aktres at nag-dirty finger pa umano sa kanila.

Dumalo naman sa ipinatawag na pulong ni Cruz ang dalawang kasambahay.
Muli raw magpapadala ng sulat ang barangay kay Maricel para sa susunod na paghaharap nila ng kanyang mga dating maid.

Nitong Martes, sinabi ni Cruz na iaakyat nila sa korte ang reklamo ng dalawang kasambahay kapag tatlong beses hindi sinipot ng aktres ang ipatatawag niyang pulong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply