Signal No. 2 sa Catanduanes, Albay, Camarines provinces

IKINASA na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang storm signal No. 2 sa Catanduanes, Albay at Camarines provinces bunsod ng bagyong “Juaning.”

Sa kanilang 8:45 a.m. weather bulletin, sinabi ng PAGASA na huling namataan si Juaning sa layong 90 kilometro (km) hilaga hilaga silangan ng Virac, Catanduanes o nasa 150 km silangan hilaga silangan ng Daet, Camarines Norte.

Nagtataglay ito ng lakas na hangin na aabot sa 65 km bawat oras (kph) malapit sa sentro at pagbugos na aabot sa 80 kph.

Kumikilos ito ng pa-kanluran hilaga kanluran sa bilis na 19 kph, at inasaahan itong nasa bisinidad ng Dagupan City ngayong araw (Hulyo 27).

Itinaas naman ang public storm signal No. 1 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayao, Kalinga, Cagayan, Isabela, Ifugao, Mt. Province, La Union, Pangasinan, Benguet, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Quirino, Aurora, Quezon, Polillo Island, Sorsogon.

Sinabi ni PAGASA officer-in-charge and Department of Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul, na ang National Capital Region ay makararanas ng mga pag-ulan na dala ni Juaning na may malaking diameter na 400 km.

Pinaalalahana ni Yumul ang mga mangingisda sa mga apektadong lugar laban sa paglayag sa karagatan.

Inalerto na rin ang mga residenteng nakatira sa low-lying at mountainous areas na nasa ilalim ng signal Nos. 1 at 2 sa posibleng pagragasa ng flashfloods at landslides. Inalerto na rin ang mga nakatira naman sa coastal areas laban naman sa malalaking alon o storm surges na dulot ng natuang tropical cyclone.

Samantala, sinuspinde na ng Department of Education (DepEd) ang klase sa pre-school hanggang high school sa boung NCR. Maging sa Bicol region, Lipa City, Batangas ay kinansela na rin ang klase dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan at pabugsu-bugsong hangin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply