Sigurado na: Nora Aunor uuwi na sa Pilipinas ngayong Agosto

NASABAY naman sa outing ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang shooting ng “Asiong Salonga: Kingpin Ng Tondo,” sa Laguna noong isang araw, so the governor of Laguna who’s heading the cast of the movie had the chance to talk to the members of this press body.

Nag-seek ng audience kay Governor ang grupo, for a special photo session at siyempre, interview with him tungkol sa kanyang posisyon bilang Laguna governor at tungkol sa maraming detalye ng movie niyang di pinalad na masali sa film festival. Nagbigay din ng briefing si Gov sa isa pa niyang movie na nakaline- up na rin right after Kingpin. Ito yung “El Presidente” and according to the good governor, no less than Nora Aunor who’s now in the States ang tatayong leading lady niya.

“AIll is positive, si Nora Aunor na, we are having a deal with her at yung pagparito na lang niya ang kulang. Inaayos na lahat at sa pagkakaalam ko, tapos na’ng lahat ng kinks, Nora Aunor is finally arriving this August for one week shoot sa kanyang role bilang Maria Agoncillio, wife of Emilio Aguinaldo.

“We will provide her with everything, we agreed on their terms at talagang ayos na, unless she backs out at the last munite, wala na talagang problema. Bibigyan namin siya ng ticket, free accommodation and most of all a fat sum which how much, sekreto muna,” sabi pa sa press ni Govenror in an ecstatic and excited mood.

So almost done with na talaga. Si Suzzete Ranilio raw ang nakausap nila who’s a friend and ally of Nora Aunor. Suzzete assures them everything is ok at positibo na’ng lahat.

Kumbaga, after many attempts na pauwiin dito si Aunor, tagumpay na sila and as matter of fact yung final date na lang ng pag-uwi ang hinihintay nila.

So far, this news would really put the governor and his movie, na Kingpin in the news. Malaking balita nga ito at kahit na hindi pa kasali si Aunor sa Asiong Salonga, we are pretty sure that it will pepped up the promo of this movie na rejected sa Metro Manila Film Festival.

Actually, mismong si Governor ang nag-disclose na hindi nakatutuwang hindi pumasok sa pestibal ang ganito kagandang pelikula na base sa tunay na buhay. Pero malaki pa raw ang pag-asa niya na baka sakaling may mag-back out sa mga official entries para sila ay mapasok na.

Oo nga naman, they are already comeplete and almost done with with Asiong Salonga samantalang yung mga nakuhang opisyal na kasali ay ni hindi pa nakapagsisimulang mag-shoot.

“Pero kung ganyan naman ang desisyon nila, maluwag po naming tinatanggap, wala pong problema, at least, yung isa pang option to show it sa maraming festival abroad ang magagawa namin. Ipinagmamalaki namin na world class na movie na ito at di ikinahihiyang ipalabas ito to the rest of the world. Pero sana mabigyan talaga ng pagkakataong masali ito sa pestibal, we will see kung ano talaga’ng mangyayari in the future,” pagkukuwento pa ni Governor ER Ejercito.

So there!

***

‘Di ako takot kay Wenn Deramas, inaabangan ko siya araw-araw sa lobby ng ABS-CBN, nakahanda ako sa hamon niyang suntukan!’ – Jobert Sucaldito

NADUGTUNGAN pa pala yung away noon nina Direk Wenn Deramas at Jobert Sucaldito.

Naging ugat ng sigalot sa kanilang dalawa yung mga maanghang na komento ni Jobert tungkol sa package-deal na alaga ni Direk na si Deejay something who’s in his every movie gayung kung tutuusin nga naman, walang filmography na puwedeng ipagmalaki ang male starlet na ito.

Actually, marami ang nakikisimpatya kay Jobert dahil nga nayayabangan din ang marami kay Wenn Deramas and one Jobert supporter even claimed na dating waiter pala sa isang chicken chain restaurant. “Without meaning to belittle the waiters,” sabi pa ng isang nakausap naming. “But the thing is sobrang yabang kasi niya na akala mo kung sino na.”

Nakikisimpatya rin kay Jobert yung isang senior writer na feeling niya, ganyan talaga kabayabang ang naturang direktor. “Hahaha, natawa ako sa kanya, naiganti na ni ___. Sinabi ang pangalan ng reporter laban sa diretor na ito. Kasi, pinalayas niya sa upuan si Wenn sa isang wake noon ng isang artista. Di raw ito nakapalag na umalis na lang at di pumatol sa mataray na lady reporter.

Anyway, nagagalit pa nga si Jobert hanggang ngayon kay Wenn at sabi nito handa siyang magtanggol ng mga reporter na masyadong iniinsulto ng mayabang daw na direktor. “Hindi ko yun mapapalampas, bastos siya,” sabi pa ni Jobert. “Akalain mo ba naman, nang tanggapin niya’ng trophy bilang pinakamagaling na direktor noong gabi ng Star Awards for Movies, hindi tama yung sinigurado pa niya kung siya nga yung nasa listahan, ano ang ibig niyang palabasin, may scam at ganyan,” sabi pang nanggagalaiti ni Jobert Sucaldito.

“Kaya ako, sige lang kung talagang matapang siya, araw-araw, hinihintay ko siya sa lobby ng ABS-CBN, suntukan kami, di ko siya uurungan. Siya ng unang naghamon, pangatawanan niya,” sabi pa nito.

Isa pang barubal na bading ang hanggang ngayon pala ay kaaway pa ni Jobert. Siya si John Lapus who, like the direktor na binabanggit dito, ay mayabang din daw. “Hindi ko na siya mapapatawad kahit kailan,” sabi pa ng isang senior lady reporter. “May karanasan ako sa kabastusan niya na sana hindi na maulit, dahil next time di ko na siya palalampasin,” sabi pa nito.

Ayon naman kay Jobert, bagay daw na magkaibigan sina John Lapus at Wenn Deramas. “Pareho silang mayabang, mga wala silang kaibigan.”

Oo nga!

***

Lovi Poe bagong girlfriend ni Jake Cuenca

PANGANGATAWANAN na yata ni Lovi Poe that she is single. Na talagang wala na sila ni ex-congressman Ronald Singson at ngayon, sila na ni Jake Cuenca.

Pero teka, sigurado namang pang-come on lang ito ng pelikula nilang “My Neighbor’s Wife” na kasunod na ng “Temptation Island” dahil nga hit ang huli dahil daw kay Lovi Poe.

Very obvious na ginagawang slant yung diumano, si Lovi ang nagdala ng Temptation Island kaya ito malakas sa takilya. Although, Lovi humbly says na marami silang nagtulong-tulong sa pelikulang nag-hit, kitang-kita yung flattered na flattered siya. Kumbaga, lahat sila, nag-effort kaya ito malakas sa takilya.

Ngayon nga si Lovi Poe ang star of the hour ng Regal Films na tiyak na tiyak, ibebenta siya ni Mother sa promo ng My Neighbor’s Wife.

Sexy si Lovi sa My Neighbor’s Wife at sa pictorial pa lang, nagpaseksihan na sila ni Carla Abellana. Ayaw nitong i-divulge kung sino ang mang-aagaw ng asawa sa movie dahil mas maganda raw kung panoorin na lang.

Kumislap ang mga mata ni Lovi nang tanungin kung totoong nililigawan siya ni Jake Cuenca at kung totoong siya ang rason kung bakit nasa premiere night ng Temptation Island ang actor. Naku, ’di kaya si Lovi na ang ipinalit ni Jake kay Melissa Ricks?

“Siya na lang ang tanungin ninyo, I don’t want it to come from me. Basta friends kami. Magkakilala na kami sa Bench pa at mas naging close lang kami sa shooting ng My Neighbor’s Wife,” pahayag ni Lovi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply