Simbahan aminadong nasaktan sa PCSO scam

INAMIN ni outgoing Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Tandag Bishop Nero Odchimar na lubhang nasaktan ang Simbahang Katoliko sa sigalot na kaugnay ng iskandalo sa pananalapi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong nakaraang dalawang linggo.

Kasunod nito, humingi naman ng “paumanhin” ang Obispo sa nasasakupan sa sugat na idinulot ng pangyayari sa pananampalataya ng mamamayan sa kanila bilang Mabuting Pastol ng Simbahan na siyang nagbigay duda sa kalooban ng bawat naniniwala.

“Subalit dama na labis ang kalungkutan sa buong Simbahan. Kaming inyong mga pastol ay kaisa ninyo. Bilang mga pastol na nagsisikap na mahalin kayo tulad ni Hesus ang Mabuting Pastol, ikinalulungkot namin ang hapdi at siphayo na ibinunga sa inyo ng mga pangyayaring ito,” giit niya.

Hiniling naman niya sa mamamayan na huwag agad na manghusga at pagsikapan na tuklasin ang buong katotohanan sa sigalot dahil tanging katotohanan lamang umano ang magpapalaya sa atin.

“Lagi nating hanapin nang may pag-ibig ang katotohanan,” aniya.

Tiniyak naman ni Odchimar na haharapin ng nasasangkot na Obispo ang anumang mangyayari kung mapatutunayan na labag sa batas, may katiwalian at labag sa Saligang Batas ang pagtanggap ng donasyon mula sa PCSO.

“Tinitiyak namin sa inyo na ang kanilang ginawa ay walang bahid na malisya. Sa kanilang tapat na hangarin na matulungan ang kanilang mga pinaglilingkuran nakaligtaan

nilang bigyan ng pansin ang mga patibong na maaaring kahulugan nila dahil sa mga tinanggap nila. Ipinahayag din nila na handa silang gawin ang lahat ng mga kinakailangan upang maghilom ang sugat na ito nang ang lahat ay patuloy na sumulong sa pag-asa,” paliwanag ni Odchimar.

Dahil dito, nagkasundo ang CBCP na muling suriin ang pamamaraan ng pakikipag-kolaborasyon ng Simbahan sa mga ahensiya ng gobyerno hinggil sa pamamahagi

ng tulong sa mahhirap tulad nang ginawa ng mga obispong tumanggap ng maluhong sasakyan mula sa PCSO.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply