Simbahan handang tumulong sa gobyerno vs korapsyon

HANDA ang Simbahang Katoliko na makikipagtulungan sa pamahalaan upang labanan ang korapsyon sa bansa.

Ito ang sinabi ni Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, chairman ng Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kasunod ng pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Sa nasabing talumpati ay nilinaw ng Pangulo na “personal” ang paglaban niya sa katiwalian at dapat itong tularan ng publiko.

Ayon kay Iniguez, matagal na ang kampaniya ng simbahan laban sa korapsyon at kung talagang seryoso ang pamahalaan na tuldukan ang katiwalian ay handa silang makipagtulungan dito.

“The Church had long been involved and continues its crusade against corruption and if the government is really serious, we can work together,” ani Iñiguez.

Kumbinsido ang opisyal ng CBCP na ang pahayag ng Pangulo laban sa korapsiyon ay karapat-dapat lamang na suportahan ng publiko.

“He wanted to call us to participate in the fight versus corruption… That is, indeed, called for,” dagdag pa ni Iñiguez.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply