Simbahan ipinagtanggol ni Pacquiao

IPINAGTANGGOL ni Sarangani Rep. Pacquiao ang Simbahang Katoliko kaugnay sa kontrobersyal na pagtanggap diumano ng ilang Obispo ng mamamahaling sasakyan mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ipinaliwanag ni Pacquiao na wala siyang nakikitang masama sa ginawang pagtanggap ng mga opisyal ng Simbahang Katoliko ng mga sasakyan tulad ng Sports Utility Vehicles (SUV).

Aniya, nagagamit naman ng mga Obispo sa mabuting paraan ang mga sasakyan tulad ng kanilang pagdalaw sa kanilang nasasakupan.

Si Pacquiao ay nakatanggap ng pitong ambulansya mula sa PCSO bilang kapalit sa paglabas nito sa TV advertisement ng ahensya.

Ang reaksyon ng kongresista ay kaugnay sa umano’y pagtanggap ng mga Obispo ng donasyon mula sa PCSO noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na pumanig si Pacquaio sa Simbahang katoliko una ay ang isyu sa Reproductive Health (RH) bill, ikalawa ay ang pagtutol sa divorce bill at ang ikatlo ay ang kontrobersiya sa PCSO.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply