Simbahang Katoliko nasermunan ng solon

KINASTIGO ng isang mambabatas ang Simbahang Katoliko dahil sa pagtanggap ng mga obispo ng mga luxury vehicle na Pajero mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay House Minority Leader Edcel Lagman, bagama’t hindi ito isang krimen, maituturing namang kasalanang moral.

“Solicitation or acceptance by Catholic bishops of motor vehicles or cash gifts from the (PCSO ) is not a crime per se, but is morally offensive,” aniya.

Ani Lagman, may sapat na pondo ang simbahan dahil sa mga abuloy ng mga miyembro nito na maaaring gamitin sa “charity work” nito at hindi na dapat makipagkumpitensya pa sa mga mahihirap na mamamayan.

Kaugnay nito, pumalag si Camarines Rep. Dato Arroyo sa balitang lumabas sa Philippine Daily Inquirer noong July 4, 2011 na may 29 na kongresista ang nabigyan ng ambulansya ng PCSO.

“To set the record straight, I never held any funds, items, or vehicles coming from the PCSO. Any assistance from PCSO to Bicol Medical Center went straight to the BMC and did not pass through me or my office,” paglilinaw ni Arroyo.

Aniya, dapat maitama ang lahat ng akusasyon kaya’t payag itong magkaroon ng congressional investigation upang malaman ang katotohanan sa likod ng mga akusasyon.

“I support any congressional investigation to separate fact from fiction, to stop being demonized in media for doing our congressional duties,” ani Arroyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply