Simpleng tanong kay Inday

SIGURADO ako na marami ang nakapanood sa ginawang pananapak ni Davao City Mayor Sarah Duterte sa Sheriff na nanguna sa ginawang demolisyon sa Davao noong isang araw.

Ang kawawang Sheriff ay nagpatupad lang ng kautusan ng korte na ituloy ang demolisyon.

Hinahangaan ko ang paninindigan ng Sheriff at saludo ako sa pinakita nitong pagpapakumbaba, hindi lumaban o gumanti man lamang at ipinakita niya ang paggalang sa Mayor at pagiging babae nito.

Pero may mga tanong din.

Ilang araw lang nangyari ang flashflood sa Davao kung saan 30 sa mga residente ang namatay.

Galing daw si Mayor Sarah sa relief goods operations at nabalitaan ang nangyayaring gulo sa demolition site kung saan may mga nasaktan na.

Tinawagan niya ang Sheriff para pakiusapan na i-delay ang demolition hanggang dumating ang Mayor sa site para mapangasiwaan nya ang demolition at maiwasan ang gulo, nakiusap siya sa Sheriff pero hindi siya pinagbigyan nito.

Sabi ni Mayor, matagal na nilang alam ang demolisyon pero sumabay nga ang problema ng flashflood, nakiusap siya sa Sheriff na bigyan siya ng dalawang oras na palugit pero hindi siya pinagbigyan nito.

Mali ang ginawa ni Mayor Sara na manakit ng tao, bilang isang public official mahalaga na laging mahinahon at malamig ang ulo.

Ang mga tanong.

Bakit hindi napagbigyan si Mayor Duterte sa kanyang pakiusap gayong siya ang pinakamataas na pinuno ng lungsod?

Bakit hindi napagbigyan ng Sheriff ang hinihinging dalawang oras na palugit ni Sara gayong ang katuwiran para rito ay para sana maiwasan ang gulo na nangyari na nga at natigil lang nang dumating ang Mayora sa site?

Bakit kaya mainit ang ulo ni Sara Duterte noong araw na iyon?

Bakit kaya hindi pumayag si Sheriff sa pakiusap ng Mayor?

Bakit kung iginagalang ni Sheriff ang Mayor bilang babae ay hindi niya ito napagbigyan bilang kanyang Chief at hinintay sana ang Mayora bago itinuloy ang demolisyon?

Hindi ba mas naging maayos sana kung naroon si Mayor sa lugar habang ginagawa ang demolisyon?

Sabi ni Inday Sara, mag-mayor muna kayo bago niyo ako maintindihan, ano ang kaya ang ibig sabihin nito?

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply