Sina Aling Gloria at Col. Mariano at petrolyo

MALAPIT na ang Hulyo 25, ang araw ng State of the Nation address.

Ang sabi, pupulutanin ni Pangulong Noynoy si Aling Gloria mismo sa bahay nito, sa Kamara.

Yun bang === magiging sentro ng SONA ni PNoy ang pagdurog kay Aling Gloria at mga kamag-anak at kasapakat nito sa korapsyon, pandarambong, dayaan sa halalan at kung ano-ano pa.

Kailangang may makulong, diin ni PNoy sa mga nakaraan nitong mga talumpati.

Maririnig pa rin kaya natin ang salitang ito sa SONA?

PANAWAGAN NI COL. MARIANO

Ano naman itong panawagan ni Philippine Marines Col. Generoso Mariano na pabagsakin ang pamahalaan ni PNoy?

Magkakaiba ang reaksyon dito.

Sa paliwanag ng mga malalapit kay Mariano, out of context ang pag-unawa ng mga nakapanood ng video nito laban kay PNoy.

Sineseryoso naman ito nina PNoy at hindi totoong binabalewala nila ito.

Kung hindi, bakit isasalang ito sa court martial at kakasuhan ng sedition?

May suspetsa namang may kumikilos na rightist gaya ng pagkilos ng mga rightist na nagsagawa ng mga kudeta noong panahon ni Cory.

Yung mga rightist, sabi ng  ating uzi, ay ang paghahari ng mga utak-pulbura.

Pero may nagsasabi namang totoo ang pinagsasabi ni Mariano na hindi totoo ang mga statistics na nagbabago na ang kahirapan sa bansa.

At ang totoo, walang nagagawa si PNoy laban sa gutom at kahirapan.

O kayo, mga Bro, ano ang masasabi ninyo rito?

WALANG NANGYAYARI SA PETROLYO

Kung meron mang ilang lehitimong reklamo na klaro ang kainutilan ng pamahalaang Aquino, kabilang na riyan ang krisis sa presyo ng petrolyo.

Anak ng pitong putakte, grabe na ang presyo ng mga gasolina, diesel, liquified petroleum gas at iba pa.

Umaangal na ang lahat.

Akalain ba naman natin kasi na may overpricing na ang mga kompanya ng langis, may expanded value added tax pa ng gobyerno.

Nandaraya pa ang mga istasyon ng gasolina ng sukat ng petrolyo kaya madaling maubos.

May maririnig ba tayo mula kay PNoy ukol sa problemang ito sa kanyang SONA?

Sana naman, mahal na Pangulo.

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply