Singil sa Bar examination tinaasan

INAPRUBAHAN na ng Korte Suprema ang dagdag na singil para sa mga kukuha ng Bar examination ngayong taon.

Simula sa taong ito, tatlong libong piso na ang ipapataw sa Bar Examination at admission fees mula sa dating P2,750 hanggang P3,000.

Ayon kay Atty. Ma. Cristina Layusa, Deputy Clerk of Court at hepe ng Office of the Bar Confidant, iyon ay dahil na rin sa pagtaas ng halaga ng mga kagamitan o materyales na kakailanganin sa nasabing pagsusulit at para makatugon na rin sa personnel requirement.

Una nang inanunsyo noong Enero ng Korte Suprema na para sa taong ito, ililipat sa University of Sto. Tomas (UST) mula sa De La Salle University ang lugar na pagdarausan ng Bar Examinations at mula naman sa buwan ng Setyembre, gagawin na ang pagsusulit sa Nobyembre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply