Sino ang mga ‘tapat’ at ‘suwail’ na tauhan

MAGKAMINSAN ay nangingibabaw ang kababaang loob subalit kapag lilimiin at lalaliman ang pang-unawa ay umiiral ang dapat na mangyari.

Ito ay patungkol sa usapin ng Philippine Charity Sweepstakes Office na diumano ay lumilitaw ang ‘kabit-kabit na katiwalian na kinasasangkutan ng malalaking pondo na nawawala o di kaya’y nawaldas ng ilang tauhan ng tanggapan.

Kaawa-awa si PCSO General Manager Madam Rosario Uriarte, sa dinaranas na walang kahulilip na intriga at batikos dulot ng magkakasunod na hearing sa Senado na apektado ang personal na buhay niya, ng kanyang pamilya pati na ang mga kapitbahay at ilang kaibigan.

Nasundan pa ito ng pagpapalabas ng isang hold departure order laban kay Uriarte na animo siya ay isang kriminal na nagtatago sa batas. Kung magsasalita lang si Ms. Uriarte, malamang na maibsan siya ng bigat na pinapasan pero tulad ng isang tapat na kaibigan at tauhan ay nagsawalang-kibo na lang siya para siya ay maipagparangalan.

Sino naman kina ARMM ex-Governor Zaldy Ampatuan at dating Maguindanao Supervisor Lintang Hasim Bedol ang maihahalintulad kay Uriarte na tatanaw ng utang na loob sa nagbigay pala sa kanila noong panahon ng pamamayagpag at matapos kandiliin ng taong sumuporta at pinagkunan nila ng biyaya.

Di umano’y masahol pa sa ahas na sumisingasing ang dalawa sa pagkakanulo sa may-ari ng kamay na nagpala sa kanila. Ulupong ang tawag sa mga taong ganito ng mga taga-Bulacan at mga taal na mamamayang Filipino. Biruin mo nga naman, nagsipagdak-dak ang dalawa laban sa kamay na nagpala sa kanila matapos makamkam ang lahat ng pakinabang.

Sa mga kaganapan ay muli na namang naungkat ang pangalan ni dating Comelec Chair Benjamin Abalos dahil sa kapanahunan niya patungkol ang diumano’y naganap na iregularidad sa halalang naganap.

Sana ay bigyan ng tamang panahon at venue para maipagtanggol ni Abalos ang kanyang panig at karapatan. Tiyak na may sarili siyang depensa sa akusasyon na pinagpipiyestahan ng ilang tao. Kumusta naman si ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano? Ito ang tanong ng isa pang nagkakainteres sa katiwalian sa halalang 2004.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply