Sisihan sa Bicol tigilan na muna– Malakanyang

NAKIUSAP ang Malakanyang na isantabi muna ang sisihan kung sino ang nagkamali at nagkulang sa kamakailang pananalanta ng bagyong “Juaning” sa Bicol region, na naging dahilan ng pagkamatay ng marami kabilang ang ina ni Albay Gov. Joey Salceda.

Ito ang binigyang-diin ng Malakanyang matapos dumami pa ang mga casualties, na umabot na sa mahigit 30 sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Magugunitang sinisi ni Salceda ang kapalpakan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Atmospheric Services Administration (PAGASA), na agad namang itinanggi ni Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, dapat unahing tugunan ang pangangailangan ng mga biktima ni Juaning.

Sinabi ng opisyal na kailangang siguraduhing nasa ayos na ang mga nasalanta at saka na lamang ang pagbusisi kung sino ang nagkulang o nagpabaya.

Aniya, normal lamang na magkaroon ng assessment pagkatapos ng kalamidad.

“Right now the immediate need is to attend to the victims and make sure that secured ‘yong mga affected,” ayon kay Valte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply