Smart Bro wireless palpak

PARA sa mga nais magpakabit ng linya ng internet, mag-isip muna kayo ng maraming beses kung ang Smart Bro wireless internet ang nais ninyong ipakabit.

Bilang isa sa mga kostumer ng Smart Bro, tahasan kong sinasabi na palpak at walang kuwenta ang serbisyo nito.

Araw-araw ay nagkakaroon ng interruption o nawawala ang signal ng internet ng Smart Bro.

At ito ay nagaganap sa mahabang oras.

Tiyak ko na hindi lang ako ang nakararanas ng ganitong problema bilang biktimang kostumer ng Smart Bro.

Ilang beses ko nang ipinarating sa pamamagitan ng telepono ang problemang ito sa customers’ service representatives ng Smart, pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari.

Puro pangako lang na magpapadala sila ng technical crew para inspeksyunin ang antenna ng linya ko.

Sayang lang ang ibinabayad naming mga biktimang kostumer ng Smart Bro kada buwan kung hindi rin lang naipagkakaloob ang tamang serbisyo sa amin.

Para bang hinoholdap ninyo lamang kami sa pamamagitan ng palpak na wireless internet n’yo!

Ang tulin n’yo pang maningil ng bayad.

Isa pa, ano itong ipinapanakot n’yong pre-termination fee na libo-libong piso ang halaga na kinakailangang bayaran naming mga biktimang kostumer sakali’t di namin natapos ang 24-buwan na subscription period?

Mr. Manny Pangilinan, hindi ba’t panggigipit ito sa mga biktimang kostumer n’yo?

Kaya’t sa mga nais magpakabit ng linya ng internet, subukan n’yo na lang ang ibang kompanya. Huwag na ang Smart Bro!

* * *

Anomang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 09994333437 o kaya’y i-email lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply