So ‘di maawat sa Battle of the GMs

PATULOY na dinodomina ni super grandmaster Wesley So, (elo 2658) ang National Championship “Battle of the Grandmasters” na ginaganap sa 5th floor ng National Press Club, (NPC) Bldg sa Intramuros, Manila.

Tangan ni three-time defending champion So ang itim na piyesa nang makipaghatian ng puntos kay IM Jan Emmanuel Garcia matapos ang 44 moves ng king’s Indian defense sa round six upang ilista ang 5.0 puntos at solohin ang liderato.

May pagkakataon sanang maka-upset si Garcia matapos nilang i-analyse ang kanilang laro kasama ang ibang GMs, hindi umano nakita ni Garcia ang winning move kung kaya’t hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nito ang unang panalo.

Nakalikom si Garcia ng 2.5 puntos mula sa five draws at one loss sa event na inorganisa ng National Chess federation of the Philippines, (NCFP) na pinangunahan ng presidenteng si Prospero “Butch” Pichay Jr.

Magkasalo naman sa second to fourth spot sina Asia’s first grandmaster Eugene Torre, GM Darwin Laylo at IM Oliver Barbosa na may tig 4.0 puntos papasok ng round 7 kung saan nakataya ang P150,000 para sa magkakampeon.

Pinisak ni Torre si last year’s runner GM John Paul Gomez sa 32 sulungan ng queen’s pawn opening, giniba ni Barbosa si former national juniors champion IM Yves Rañola habang tabla ang laban ni Laylo kay GM Ronald Salvador.

Nasa fifth to sixth places naman sina IMs Richard Bitoon at Rolando Nolte na may 3.5 points
Ang nasabing pinakamalakas na tournament na isinagawa sa Pilipinas ay inisponsoran ng NPC, Remate, Hataw, Pilipinas Shell, Manila Pavilion Waterfront Hotel and Casino at Philippine Sports Commission, (PSC).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply