So nakuntento sa tabla

NAUWI lamang sa tabla ang laro ni Filipino GM Wesley Barbasa So (Elo 2667) kontra kay Chinese GM Hou Yifan (Elo 2612) matapos ang 47 moves ng Catalan Opening tangan ang puting piyesa tungo sa ika-apat na puwesto sa ninth at penultimate round ng AI (Airports Authority of India) Grandmasters Chess Tournament sa New Delhi, India nitong Biyernes, Hulyo 1.

Tangan ng 17-year-old Bacoor, Cavite whiz kid ang kabuuang 4.5 points sa Category 17 chess tournament na inorganisa ng All India Chess Federation at sanctioned ng World Chess Federation (FIDE).

May  total  $24,500 cash prize ang torneo kung saan ang champion’s purse ay $8,000 at $6,000 para sa runner-up.

Giniba ni Czech GM Viktor Laznicka (Elo 2681) si Italian GM Fabiano Caruana (Elo 2714) matapos ang 40 moves of Semi-Slav defense para hawakan ang ika-tatlong puwesto sa natipong 5.0 points.

Bagama’t lider pa din si Caruana ay hindi pa niya nakakatiyak sa kampeonato dahil nakabuntot si Indian GM Krishnan Sasikiran (Elo 2676) na may 5.5 points at nasa solong ika-dalawang puwesto. Tabla si Sasikiran sa kababayan na si Indian GM Parimarjan Negi (Elo 2622) matapos ang 48 moves ng Slav Defense.

Sa 10th at final round, karibal ni Caruana Si So, katapat ni Hou si Sasikiran at kalaban ni Negi si Laznicka. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply