‘Social Transformation’ paksa ng SONA ni PNoy

“SOCIAL Transformation.” Ito ang magiging paksa ng state of the nation address (SONA) ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino ngayong hapon.

Ayon kay deputy presidential spokeswoman Abigail Valte, hindi na rin gagamit ng panibagong slogan o “human propaganda” ang Pangulo sa kanyang paglalahad ng SONA.

Naghanda na rin ng Audiovisual presentation ang administrasyon upang mas madaling maintindihan ang mga repormang ilalahad na Pangulo.

Hinikayat din nito ang mga pulis, at raliyista na sa halip ay magbakbakbakan sa labas ng Batasan Complex sa Quezon City, ay makinig sa sasabihin ng Pangulo.

Pinaalalahanan din ni Valte ang publiko na ito pa lamang ang pang-unang taon ng Pangulo at may natitira pang limang taon upang maisakatuparan nito ang mga reporma at pangako nito noong nangangampanya pa lamang.

Magsisimula at mapapanood ang SONA ni Pangulong Aquino dakong ika-4 ng hapon sa Batasan Complex, Quezon City.

Samantala, hindi pa man nagkapagsisimula ng SONA si Pangulong Aquin, bagsak na performance rating ang ibinigay ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) kay Pangulong dahil sa pagpapabaya nito sa mga kawani ng pamahalaan.

Ayon kay COURAGE National President Ferdinand Gaite, makalipas ang isang taong panunungkulan ni Aquino pawang pasakit lamang ang idinulot nito hindi lamang sa public sector kundi pati na rin sa pribadong sektor.

Aniya, sa kabila ng panawagan na dagdag na P6,000 sa suweldo ng mga empleyado ng gobyerno at P125.00 across-the-board wage increase sa mga private employee dahil sa patuloy na pagmahal ng bilihin at serbisyo, ay naging bulag at bingi ang Pangulo na tugunan ito.

Inihalintulad din ng labor group si Pangulong Aquino na walang pinagkaiba sa mga nagdaang Pangulo ng bansa na pinapaasa lamang ang taumbayan sa mga salita at pangakong napapako.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply