JDV ‘kumanta’ sa ballot switching– solon

HINAMON ni CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugna si dating House Speaker Jose de Venecia Jr., na magsalita kaugnay sa sinasabing “ballot switching” na naganap sa Batasan Complex noong Enero 2005 kung saan naka-bodega pa dito ang Election Result ng 2004 presidential elections.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na kailangang mabigyan ng pagkakataon si De Venecia na magsalita at mabigyang linaw ang alegasyong ito.

“Sa aking palagay dapat he should speak on this issue dahil ang Kongreso noong panahon na iyun siya ang naumuno, the Congress was under his watch at that point in time, so maganda na makapagsalita siya at bigyang-linaw kung ano ba talaga ang mga alegasyon na ito noong panahon na siya ang namumuno diyan.”

Magugunitang nagkaroon ng imbestigasyon ang Kamara ukol sa “Hello Garci” subalit walang napatunayan na nagkaroon nga ng dayaan.

“With respect to the absolution that there was no irregularity, I don’t know if the topic of the removal of the alleged 100 boxes containing the original ERs and it was substituted by fraudulent and fabricated ERs were tackled on that issue.”

Aniya, kung hindi magkakaroon ng pag-ungkat at imbestigasyon sa panibagong alegasyon na ito ay malalagay naman sa alanganin ang integridad ng Kamara de Representantes.

Makabubuti aniyang maisara ang usaping ito at makasuhan ang mga dapat kasuhan.

Iminungkahi pa ni Tugna na sakaling mag-imbestiga ang House committee on suffrage and electoral reforms ay makabubuting ipatawag na ang dating speaker.

Tutol din si Tugna na gawing state witness si De Venecia sa usaping ito dahil mangangahulugan aniyang may kasalanan na ito ngunit maaari namang ipatawag ito at maging testigo.

Sa ngayon ay kinuwestyon ni Tugna ang “credibility and authenticity” ng orihinal na 100 ballot boxes na naglalaman ng ER.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply