Solon tutol ilagay sa watchlist si Arroyo

MARIING tinutulan ni Zambales Rep. Milagros “Mitos” Magsaysay ang plano ng Department of Justice na ilagay si Pampanga rep. Gloria Arroyo sa watchlist ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Magsaysay, makabubuti kung pag-uusapan muna ito sa korte para makita kung ito ba ay propaganda lamang o katotohanan.

Hinamon din ni Magsaysay ang mga kritiko ni Arroyo na ilabas ang mga ebidenysa na nagpapatunay sa partisipasyon ni Arryo sa mga ibinibintang sa kanya dahil halata naman na isa lamang itong political harassment.

Nauna rito pinalagan ni Atty. Raul Lambino, legal spokesperson ni Arroyo, ang pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima na paglalagay sa dating Pangulo sa watchlist ng BI.

Sinabi ni De Lima na kapag inilagay sa watchlist si Arroyo, hindi na siya makalalabas ng bansa nang walang clearance mula sa DOJ.

Kapwa isinabit nina dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan at dating Maguindanao Election Supervisor Lintang Bedol si Arroyo sa sinasabing dayaan sa eleksyon noong 2004 at 2007.

Kwestyunable rin aniya ang motibo ng DOJ na mistulang kinokondisyon ang isipan ng publiko dahil malaki ang pagkakaiba ng watchlist sa hold departure order na iniuutos ng korte. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply