Tulad ng dati, SONA tila fashion event

TAUN-TAON ay nagmimistulang “biggest fashion event” ng taon ang state of the nation address (SONA) ng Pangulo.

Sa ikalawang SONA ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ay, tulad ng inaasahan, nagsuot ang bawat dadalo ng kanilang pinakamagarang kasuotan, habang ang iba naman ay nagbibihis para iparating ang kanilang saloobin o protesta sa administrasyong Aquino.

Mula sa kinatawan ng mga kababaihan, si Gabriela Rep. Emmi De Jesus ay nagsuot ng baby pink na panuwelo bilang kanyang “fashion placard” dahil may lilac nouveau art text ito na “SCRAP EVAT.”

Ayon kay De Jesus, ang panuwelo-as-placard ay accessory ng gown na hinabi ni Ruel Rivera, ang sikat na fashion designer ng Marikina City.

“Ruel understands very well that my priority is to get a message across. Thus, the minimalist silver gray Italian gazar-cut gown embroidered with fuschia leaves and flowers, to allow focus on the panuwelo with its political call,” paliwanag ni De Jesus.

Sinabi nito na bilang representante ng Gabriela ay tungkulin nitong ipabatid sa SONA sa Kongreso ang karaingan ng mga nahihirapang kababaihan na pagkasyahin ang pera sa mga gastusin sa kanilang bahay.

Hiniling ng lady solon na ibasura ang EVAT dahil ito ang nagpapahirap sa pamumuhay.

Isang espesyal naman ang suot ni You Against Corruption and Poverty (Yacap) Rep. Carol Jayne Lopez na gawa sa “pure” and “uncontaminated” na tela ng T’boli tribal women ng Mindanao na hindi pinapayagang tumabi sa pagtulog sa kanilang asawa habang hinahabi ang telang ito.

Aniya, ito ay mula sa istriktong tradisyon ng T’boli.

Pinili ni Lopez na isuot ang T’nalak weavings na gawa ng indigenous T’Boli Tribe of Lake Sebu, South Cotabato sa SONA upang maipakita ang kanyang pagsuporta sa advokasiyang isalba ang tradisyon ng special native cloth mula sa tiyak na kamatayan.

Aniya, ang gawa ng mga kababaihan ay hango mula sa kanilang pangarap kaya tinawag silang “dream weavers.”

“This beautiful tradition of the T’boli women will not last long if we don’t give attention to their weavings by wearing them. Those making T’nalak weavings in the traditional way handed down through the centuries are mostly old and we should encourage the young T’boli women to continue the tradition,” ani Lopez, na ikinokonsidera ang South Cotabato bilang kanyang tirahan.

Ang T’nalak weaving ay gawa sa abaca fiber na kuha mula sa abaca tree, nilinis, pinatuyo at pinaghiwa-hiwalay hanggang maging hibla.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply