SONA ni PNoy bubulabugin ng magsasaka

NAKAHANDA na ang mga kasapi ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), Alyansa ng mga Manggagawang Bukid ng Hacienda Luisita (AMBALA) at United Luisita Workers’ Union para bulabugin ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa Lunes.

Ayon kay UMA secretary-general Rodel Mesa, tinatayang nasa 500 magsasaka ang dadalo sa rally upang ipanawagan sa pamilyang Cojuangco-Aquino na ipaubaya na sa mga mahihirap na magsasaka ang 6,453 hektaryang lupain ng Hacienda Luisita.

Igigiit ng mga magsasaka sa gagawing protesta na tapusin na ang 57-taong pamamayagpag ng nasabing angkan sa lupain at ihayag sa Pangulo na aksyunan ito at ibigay na sa kanila.

Idedeklara nila sa Lunes sa rally, ang pinakamalaking pagkilos na gagawin umano sa ilalim ng pamahalaang Aquino,  na hindi na makokontrol sa mga susunod na henerasyon ng pamilyang Cojuangco-Aquino ang hacienda.

Kaugnay nito, iginagalang ng Hacienda Luisita ang paghahain ng mosyon sa Korte Suprema ng AMBALA kaugnay sa Stock Distribution Option (SDO).

Sinabi ni Atty. Tony Ligon, spokesman ng Hacienda Luisita, na hindi na sila nagulat pa sa naturang hakbang ng grupo.

Gayunman, binigyang diin ni Ligon na hindi sila sang-ayon sa argumento ng mga ito at dapat aniyang maintindihan ng grupong AMBALA ang nilalaman ng SDO.

Hindi rin nangangamba si Ligon sa ginawang paghahain ng mosyon ng grupo sa Korte Suprema hinggil sa stock distribution option.

Ayon dito, tiwala siyang hindi na babaliktarin pa ng Korte Suprema ang kanilang naunang desisyon dahil sa wala naman aniyang bagoing argumentong naipresenta ang kampo ng mga magsasaka. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply