SONA ni PNoy sinalubong ng kilos protesta

SINALUBONG ng kilos protesta ng iba’t ibang militanteng grupo ang ikalawang state of the nation address (SONA) ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Maagang nagsimula ang mga magpoprotesta sa Bantayog ni Don Chino Roces sa makasaysayang Mendiola sa Lungsod ng Maynila.

Bandang 9:00 ng umaga nang magsagawa ng state of the masses (katumbas ng SONA ni Pangulong Aquino) ang tinatayang 200 miyembro ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya o KPD na sinundan ng CLC o Church Labor Conference na binubuo ng 10 organisasyon na nagprograma rin sa loob ng isang oras at kalahati.

Nabatid sa mga naturang grupo, walang naganap na pagbabago sa “baluktot na daan” na tinahak ng sambayanang Filipino sa nakalipas na isang taong pamumuno ni Pangulong Aquino.

Ayon sa KPD, walang ipinagkaiba ang pamumuno ni Pangulong Aquino sa naging pamumuno ni dating pangulong Gloria-Macapagal-Arroyo dahil sa pareho lamang nakaranas ng pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, serbisyo, pasahe, demolisyon ng mga tahanan, ang mga maralitang taga-lusnod at kawalan ng katiyakan sa trabaho dulot ng kontraktuwalisasyon.

Naging make-up lamang din anila ang conditional cash transfer o CCT na pinagkakaloob sa ilang mahihirap at ang halos sentimong pantawid pasada na ibinigay sa mga pampublikong sasakyan.

Aminado ang mga grupo na nagustuhan nila ang anti-corruption and transparency campaign ng administrasyon ngunit hanggang ngayon anila ay wala pa ring maituturing na makatotohanang paghahabol sa mga nagkasala sa bayan ang bagong administrasyon upang patunayan na sinsero ang gobyerno na panagutin at parusahan ang mga nagkasala sa mga mamamayan.

Ayon naman sa CLC, walang social transformation na magaganap sa bansa kung hindi lalakipan ng major policy reforms ng Pangulong Aquino gaya ng pagtuldok sa kontraktuwalisasyon, pagsusulong sa Security of Tenure Bill,  pagpapairal ng jobs program, pagdedeklara ng moratorium sa demolisyon sa mga tahanan ng mga maralitang taga-lunsod, pagbalangkas ng social protection package para sa mga manggagawang nawalan o nawawalan ng trabaho sa pamamagitan ng unemployment insurance at iba pa para malutas ang problemang dulot ng pagkawala ng hanapbuhay.

Bukod sa KDP, kabilang sa mga nagsagawa ng kilos protesta sa Mendiola ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino; Alliance of Progressive Labor; Partido Manggagawa; Philippine Air Lines Employees Association o Palea; Labor Advocacy for Reform Movement; Manggagawa Para sa Kalayaan ng Bayan o MAKABAYAN;  Samahan ng mga Manggagawa sa Hanjin Shipyard o SAMAHAN at National Union of Building and Construction o NUBCW.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply