SONA ni PNoy uulanin

INAASAHANG magiging maulan ang gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino ngayong araw, Lunes, Hulyo 25, kung kaya pinapayuhan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga mamamayan na magdala ng panangga sa pagdalo sa nasabing pagtitipon.

Ayon sa Pagasa, maliban sa lalong pinag-iibayo ng InterTropical Convergence Zone (ITCZ) ang epekto nito sa malawakang bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila, Southern Luzon, Visayas at Mindanao, malaki ang posibilidad na maging ganap na bagyo pa ang low pressure area (LPA) na nasa karagatang Pasipiko.

Ayon kay Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul, inaasahang mabuo bilang ganap na bagyo ang LPA mamayang hapon o bukas ng umaga at tatawagin sa pangalang “Juaning”.

Huling namataan ang LPA sa layong 360 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Borongan, Eastern Samar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply