SONA of calamity

MAGANDA sana ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino ngunit ang kanyang mga speech writer ay nag-concentrate lamang sa kagandahan ng kanyang speech.

Simple lang naman ang gustong marinig ng masang mamamayan sa kanyang address. Ano ang kanyang solusyon sa kahirapan at sa mga injustice na nangyayari sa ating bayan ngayon?

Hindi kailangan ng mga international ratings para masabing umaasenso na ang Pinoy. Ang credit rating na ito ay para lamang sa mayayaman. Hindi alam ng mga masa ang international ratings, kung ito ba ay Grade A o Grade AB or Grade C.

Ang alam nila, ang hirap nang mag-enroll sa Grade I hanggang sa fourth year high school. Mas mahirap pa sa mga gustong pumasok sa college.

Ang credit rating na yan ay para sa mga opisyal ng gobyerno, lalo na ang Department of Finance, dahil ang credit rating na yan ay tungkol sa mga perang gustong utangin ng pamahalaan.

Sa bawa’t utang na ito ay may kalakip na commission na ang kumikita lamang ay mga taga-gobyerno at nilalagak nila sa kanilang mga private bank account. In other words, tongpats yan.

Ano ba ang gusto ng mga mamamayan? Simple lang. Mababang pamasahe sa jeep, sa bus, sa train, sa LRT, MRT at sa mga tollway. Kailangan din nila ang murang singil ng kuryente.

Paano masosolusyunan ito? Ayaw ni Pinoy at ng DOF  na alisin ang value added tax sa mga bagay na kailangan ng mga mahihirap. Sabi ng ating mga opisyal, kailangan daw ang EVAT para matugunan ng pamahalaan ang gastos ng serbisyo publiko para sa mahihirap.

Kumita na ‘yan. Saan ba napunta ang EVAT? Sa mga matataas na suweldo ng mga opisyal sa ating bayan. Sa nakawan sa BIR at sa Customs. At sa lahat na yatang sangay ng gobyerno.

Tataas ang gasolina. Tataas ang pamasahe. Tataas ang singil sa kuryente. Tataas ang tuition, lalo na sa kindergarten na dati naman ay optional lamang. Tataasan nila ang dami ng taon sa elementary at high school.

Pero ang dami ng titser, ganoon pa rin kaunti. Ang mga silid paaralan ay bulok, sira-sira at kakaunti.
Wala na ngang makain ang marami sa ating mga kababayan pero ano ang ginagawa ni President Noy?

Ang ginawa niya sa kanyang SONA ay mga salitang bagaman at sa wikang Tagalog ay hindi pa rin maintindihan ng maski mga Tagalog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply