Special leave sa kabiyak ng OFWs igigiit

ISINUSULONG ngayon ni Sen. Manny Villar ang panukalang batas na magbibigay ng special leave credits sa lahat ng nagtatrabahong kabiyak ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Villar, layunin ng Senate Bill 25888 na payagan ang mga lehitimong kabiyak na nagtatrabaho ng karagdagang 15-day special leave credits taun-taon na may bayad.
“Families of OFWs suffer the loneliness of being apart from their loved ones while the OFW endures the pain of solitude and isolation in distant lands just to give their families a decent living,” ayon kay Villar, founder ng Sagip OFW Helpline.
“This leave credit can be a means for them to reconnect and enjoy the many things they are blessed with as a family,” dagdag niya.
Sa huling datos ng National Statistics Coordination Board,  umaabot na sa 19.786 milyon ang bilang ng migrant workers, dokumentado man o hindi.
Alinsunod sa panukala, sinumang empleyado na gustong makakuha ng prebelihiyo sa may bayad na pagliban ay kailangang magsumite sa kanilang employer ng pangalan ng kabiyak, kopya ng marriage certificate, kontrata, at impormasyon hinggil sa kalagayan at lugar ng pinagtatrabahuhan ng OFW at kopya ng kanyang passport.
Nauna nang inihain ni dating Sen. Aquilino Pimentel Jr., ang panukala noong 14th Congress at ngayon ay binuhay ni Villar sa pag-asang mapagtitibay na  ng Kongreso.
“Granting the spouses of our OFWs this leave credit is a small way of giving back to the overseas workers who helped our domestic economy to grow by 7.3 percent in the first quarter of 2010 alone,” ayon kay Villar.

Sa panukala, hindi papayagang makakuha ng leave credits ang isang empleyado na lumiban nang walang opisyal na paalam, nakabakasyon, may sakit, puwersahan o naka-study leave, at sinuman na nakakuha ng pagliban alinsunod sa batas at mga serbisyong kailangan upang maiwasan ang pagkawala ng buhay o pagkasira sa ari-arian sanhi ng seryosong aksidente, sunod, pagbaha, bagyo, lindol, epidemya at iba pang kalamidad.

Bibigyan din ng panukala ng income tax deduction mula sa gross income ang mga employer sa bawat taxable year base sa actual cost na ibinigay ng pribadong establisiyemento sa pagbibigay ng leave sa kuwalipikadong miyembro.

Papatawan ng parusang hindi lalampas sa P25,000 o pagkakakulong ng 30 araw hanggang anim na buwan ang sinumang lalabag sa panukala sakaling maisabatas ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login