SRA pinalawig ang sugar exportation

UPANG mapatatag ang presyo ng asukal sa bansa, pinalawig pa ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang araw para sa deadline nito sa pag-export ng asukal sa world market mula ika-30 ng Setyembre hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ng SRA, ang hakbang na ito ay makatutulong para mapanatiling matatag ang presyo ng naturang produkto sa merkado.

Ang sugar output ng bansa ay lagpas sa target production na umabot na sa 2.54 million metric tons (MT) at ang 100,000 MT dito ay planong i-export.

Batay sa Sugar Order No. 11, pinahihintulutan nito ang mga exporters sa “swapping” mula sa pag-export ng “B sugar” sa “D sugar.”

Ang “B sugar” ay tumutukoy sa alokasyon sa domestic consumption habang ang “D sugar” naman ay ang pag-export ng higit pa sa itinakdang sugar quota para sa U.S. Market.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply