SSC Stags sinuwag ang Letran Knights

TULUYANG iniwaksi ng San Sebastian College-Recoletos Stags and San Juan de Letran Knights sa iskor na 71-62 nang mapalabas sa playing court ang topscorer ng Knights na si Kevin Alas may 8:49 minuto pa ang nalalabi sa final quarter ng double-header games ng NCAA seniors basketball tournament Miyerkules sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Sa pagkakarehistro ng panalo, nakuha ng tropa ni coach Topex Robinson ang ikaapat na tuluy-tuloy na pagwawagi na isang laro ang abante sa 3-0 win-loss card ng defending champion San Beda College Red Lions. Bumagsak naman sa una nilang talo ang Letran Knights tungo sa pangatlong puwesto sa 3-1 record.

Ang tatlong tirador ng Stags na sina Ian Sangalang, Calvin Abueva at Ronald Pascual ay nagpiyesta sa mahinang depensa ng Knights.
Ang tatlo ay nagrehistro ng pagkakasunud-sunod na 22, 18 at 13 puntos. Sa panig ng Muralla team, tumirada naman si Alas ng 14 points, humablot ng 4 rebounds at 4 assists bago tuluyang mapalabas sa playing court sa kanyang foul limit.

Ang ikatlong double-double ni Abueva ay sa pamamagitan ng 18 puntos at 10 boards at tulad ng inirehistrong double-double ni Sangalang na 22 puntos at 10 rebounds.

Naipanalo naman ang Lyceum of the Philippines University Pirates ni coach Bonnie Tan laban sa Arellano Chiefs ang kanilang ikaapat kontra sa dalawang talo sa itinalang 84-74.

Maghaharap Biyernes ng hapon sa FilOil Flying V Arena ang Jose Rizal Heavy Bombers at Mapua Cardinals samantalang kakapit ang San Beda Red Lions sa ibabaw ng team standings laban sa St. Benilde Blazers sa main game.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply