Staff ng senador na-take-out ng ibang staff

GRABE na ito, akala ko sa mga disco house o bar lamang nagkakaroon o nagaganap ang take outan.

Pati pala sa Senado, may milagro rin palang ganito.

Nangyari ito sa isang okasyon ng mga puro staff ng senador.

Ito ang mismong napag-alaman ng matang kuwago ng Remate mula sa isang matabil na dila ng isa ring staff ng senador.

Ang kwento, nagkaroon ng get together ang isang department ng mga senador.

Halimbawa ang mga administrative department pero hindi sa admin department ang staff na tinutukoy natin dito.

Sa naturang salo-salo ay iba-iba ang kinatawan ng bawat senador. Ang ibang mga senador ay nagpadala ng lampas sa bilang na kinatawan sa kanilang opisina.

Marami naman ang pagkain at inumin sa naturang get together subalit ang nakagugulat, isang staff ng senador ang animo’y nawala sa sarili.

Hindi naman daw nasobrahan ng lasing o alak o baka likas na ta-laga sa naturang staff ang ganoong kilos.

Dahil sa naturang staff daw ay super daring o seksi ang kasuotan at ang mga kilos ay kilos entertainer na tipong siya ang may pa-party o okasyon.

Ang siste ang hindi niya alam, limang staff na rin pala ng ibat-ibang senator ang nagkakainteres sa kanya subalit isa lamang ang nagtagumpay.

Sa naturang limang staff, apat dito ang nagsawa lamang sa katitingin at kahahagod ng kanilang dila sa kanilang labi sapagkat sa isang staff ng senador ito sumama.

Mayaman naman ang naturang staff dahil  bukod sa pagkakaroon ng condominium unit ay mayroon din itong sariling sasakyan.

Nang malapit ng matapos ang gimik o salo-salo ay isa-isang nawala ang staff na na-take-out at ang nang-take-out.

Sa kahahanap daw ng ibang staff, laking gulat ng isang staff nang makitang nakasakay na ito
at kasama na ng isang staff.

Ang tanong saan kaya nagpunta ang dalawang staff at sino ang nag-drive ng kotse ng staff na nakisakay?

Parehong artistahin ang amo ng dalawang staff na ito pero isa lang dito ang totoong artista, ang staff na nang-take-out ng kanyang kapwa staff.

Say ng mga saksi, kahit hindi kagwapuhan ang staff at may edad na ay nagwagi ito sa lahat ng staff na nagnasa.

Iba siguro talaga ang nagagawa ng alak, nawawala sa sarili ang isang tao at nagiging bulag
pa. He he he.

Dagdag na clue, ang staff na na-take-out ay nahaharap sa isang kontrobersya ang kanyang amo
sa kasalukuyan. Kung anoman iyon, itanong ninyo sa opisina nila, ha.

Basta ang staff na nang-take out ay may pinagmanahan at ito ay ang kanyang among senador na mahilig sa babae na nagmana naman sa kanyang ama na maging ang isang elevator girl ay hindi pinalampas.

Oh malamang kilala na ninyo siya. Kung hindi pa pumunta kayo sa albularyo at humingi ng agimat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply