State of calamity idineklara sa Calinog, Iloilo

IDINEKLARA na ang state of calamity sa bayan ng Calinog, Iloilo kasunod ng pagkasunog ng halos buong public market sa loob lamang ng tatlong oras kagabi, Hunyo 30.

Tinatayang nasa P150 million hanggang P200 million ang pinsala ng insidente.

Isinagawa ang deklarasyon matapos ang ipinatawag na special session ni Calinog Mayor Alex Centena sa mga department head ng bayan at sa sangguniang bayan, Biyernes ng umaga.

Nabatid na maaari lamang na gamitin ang 5 percent calamity fund bilang  tulong sa mga apektadong stall owners sa palengke.

Tiniyak naman ng lokal na gobyerno ng Calinog na tutulungan ang lahat na mga apektado ng sunog.

Pinag-aaralan na rin ngayon kung saan ilalagay ang pansamantalang merkado para makapag-negosyo uli ang mga apektadong negosyante.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply