State of calamity idineklara sa isla sa Batanes

IDINEKLARA na sa state of clamity ang isla ng Sabtang sa lalawigan ng Batanes dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng may sakit na dengue.

Sinabi ni Mayor Maxilindo Babalo ng Sabtang na idineklara ang state of calamity sa lugar matapos umabot sa 63 katao ang tinamaan ng nakamamatay na sakit na dengue nitong huling lingo ng buwan ng Hunyo.

Ang hakbang na ito ay may layong magamit ang calamity fund sa pagbili ng gamot para sa mga pasyente at fogging operations para maitaboy ang mga lamok na may dalang dengue.

Umapela rin si Mayor Babalo ng karagdagang doktor at mga nurse dahil iisa lamang ang doktor doon na tumutugon sa pangangailangan ng mga biktima.

Nanagan din ang alkalde sa mga kalapit na lokal na pamahalaan para magbigay ng fogging machines na magagamit para maitaboy ang mapaminsalang lamok.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nilalapatan ng nag-iisang doktora para maisalba ang mga biktima sa tiyak na kamatayan. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply