Sugar export quota ng Pinas umangat

NADAGDAGAN ang sugar export quota ng Pilipinas sa Amerika matapos mag-lobby ang Pilipinas sa United States trade representative at sa US Department of Agriculture

Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA), pumapalo sa halos 20,000 metric tons ang dagdag na quota sa sugar exports ng bansa sa Amerika na 60,000 additional allocation.

Ipinabatid ng SRA na mahigit 140,000 metric tons na ng asukal ang nai-export sa Amerika at halos 50,000 metric tons na lamang ang kailangang mai-load para makumpleto na ang regular na US quota.

Ang Pilipinas ay isa sa mga “preferred countries” na may annual sugar tariff rate quota sa merkado ng Estados Unidos at nakakatanggap ng premium sa imported raw cane sugar.

Pinalawig pa ng SRA ang araw para sa deadline nito sa pag-export ng asukal sa world market mula Setyembre 30 hanggang sa katapusan ng Disyembre. Ito ay upang mapatatag ang presyo ng asukal sa bansa.

Ipinaliwanag ng SRA na ang hakbang na ito ay makatutulong para mapanatiling matatag ang presyo ng naturang produkto sa merkado.

Ang sugar output ng bansa ay lagpas sa target production na umabot na sa 2.54 million metric tons (MT) kaya’t ang 100,000 MT dito ay planong i-export.

Batay sa Sugar Order No. 11, pinahihintulutan nito ang mga exporter sa “swapping” mula sa pag-export ng “B sugar” sa “D sugar.”

Ang “B sugar” ay tumutukoy sa alokasyon sa domestic consumption habang ang “D sugar” naman ay ang pag-export ng higit pa sa itinakdang sugar quota para sa US market. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply