Sundalo sumalpok sa bus, tigok

DEAD on arrival ang isang kasapi ng Philippine Army nang ito’y isinugod sa Cabadbaran Emergency District Hospital sa Agusan del Norte matapos na mabangga ng isang pampasaherong bus sa nabanggit na lalawigan, ayon sa ulat ng pulisya Sabado.

Sa report na nakarating sa Camp Crame mula sa ulat ni PO3 Arwem Maturan, may hawak ng kaso, pauwi na sana ang biktima na si Christopher Tacang, 35-anyos, residente ng Barangay Lumbucan sa lungsod na sakay sa kanyang Honda Wave single motorcycle nang nabangga ito ng isang bus.

Agad din namang naaresto ang suspek na kinilalang si Felix Embuscado, drayber ng Bachelor Express Bus (LXA 516) at body number na 427.

Kasalukuyan pa ring nasa kustodiya ng Agusan PNP ang driver ng nasabing passenger bus para sa kaukuklang kaso na isasampa laban dito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply