Sunod-sunod na suspension ipapataw kay Mayor Recom

MAY sabwatan nga bang naganap sa pagitan nina Caloocan VM Mayor Egay Erice at acting Ombudsman Orlando Casimiro para mailabas  ang suspension order laban kay Mayor Recom Echiverri?

Base sa plano, susunod-sunurin ng grupo nina VM ang paghahain ng suspension order laban kay Recom nang sa gayon ay hindi na makabalik pa sa puwesto ang naturang alkalde hanggang matapos ang termino nito sa 2013 kahit may ipinalabas na ang korte na Temporary Restraining Order.

Ayon sa source ni Recom,  madalas umanong maispatan sina VM at Casimiro na nagkikita sa isang restaurant sa Quezon City kung saan ay pinag-uusapan umano ng mga ito ang planong pagsuspinde kay Echiverri.

Bukod sa alegasyon na hindi nagbabayad sa Government Service Insurance System, ay  kung ano-anong kaso pa ang niluluto nina VM at Casimiro para tuluyan nang mapatalsik si Recom.

Marami umanong ipinangako si VM kay Casimiro kapalit ng pakikipagsabwatan nito sa mga plano ni VM para sa pagpapatalsik sa naturang alkalde.

Sa panayam ng isang TV network kay GSIS Chairman Daniel Lacson inamin nito na hindi lamang ang Caloocan City ang may problema ng tulad nito dahil sa umaabot sa 300 na alkalde ang may problema ngayon sa kani-kanilang employees contribution.

Matatandaang sinabi ni Lacson na bayad at patuloy na nagbabayad ang administrasyon ni Echiverri ng employees contributions sa GSIS at nagtataka ito kung bakit napag-initan ang alkalde ng Ombudsman.

MGA OPERATOR NA MAY TONGPATS

Ang mga pasugal at operator ng mga ito na pinoproteksyunan nina Col. Quelates at Mamangon ng S2 ng Bulacan ay ang monte at VK ni Samera sa San Jose del Monte, sakla ni Eboy sa Sta. Maria, vk ni Carlito  sa Meycauayan at Balagtas, Loteng at bookies ng OTB ni Irene sa Bocaue, Sakla ni Peachey sa Hagonoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply