Sunog sa Postal Bank posibleng sinadya

ISA sa anggulong tinitingnan sa pagkakasunog ng gusali ng Philippine Postal Bank ang napipintong pag-turnover ng Philippine Postal Corporation (PPC) sa kasalukuyang administrasyon.

Records section umano ang ilan sa napinsala ng sunog sa ika-apat na palapag ng gusali.

Nagsimula ang sunog dakong alas-9:45 Huwebes ng gabi, Hulyo 14, at umabot ng dalawang oras bago tuluyang naapula ang apoy.

Muli namang may namataang usok sa gusali dakong alas-4:00 ngayon ng madaling araw, Hulyo 15, ngunit agyat naman itong naagapan.

Tinatayang aabot sa P1 milyon ang napinsala sa naganap na sunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply